Sugar&Spice


Apat na araw ng nakakaraan, ngunit di ko pa rin nakakalimutan…A real life scenario that moved me! Isang kaganapan na gumising sa aking kamalayan. It was a rainy Sunday here in London, 27th of February around 13:00 inside the bus (Bus240 towards Golders Green). I was sitting next to a Filipina who is having a conversation over the phone…
“ ‘langya! Anak ng p***! Damuho! Animal! Na naman????! Kailangan mo na naman ako? Bakit ako nalang palagi umaayos ng gusot mo? Lagi mo na lang sinasabi na hindi ka okay! Ako? Minsan ba naisip mo akong tanungin?!” . With that statement she uttered, I felt sympathy towards her specially when I saw her sobbing while she ended the conversation. Napatingin siya sa bintana…habang pinupunas ang kanyang luha. “Ate”nasabi ko sa kanya sa tonong nag-aalala, tumingin siya sa akin. At sinabing , “ Pinay ka? Akala ko…tsekwa ka. Parang me pagkasingkit ka kasi…”. Ngumiti siya at sinabing “ narinig mo?” Patungkol sa pag-uusap niya sa telepono. ” Pasensya sa pagmumura galit lang ako”. “Okey lang yun!nasambit ko at nginitian ko siya.


Tumingin ako sa malayo, may katahimikan…sa loob-loob ko, sa isipan ko, nasabi ko sa sarili ko… ”nararamdaman ko ang nararamdaman mo”, “damang-dama ko”. Bigla niya akong tinapik sa balikat at sabing…” ‘Ne, okey ka lang?” Napangiti akong bigla! At parang biglang lumiwanag ang lahat. Parang may kakaiba akong kislap na nakita sa sulok ng aking mata…Tinignan ko siya,na parang may galak sa aking puso. Inulit na naman niya ang kanyang tanong, “ Okey ka lang?”. Ginantian ko siya ng ngiti,hindi sa dahil ngumiti siya sa akin…ngumiti ako dahil sa panahon na yun, sa panahong may pinagdadaanan ako…may isang estranghero na nakatabi ko sa loob ng bus na nagtanong kung OKAY LANG BA AKO!


Lalong lumalakas ang ulan,malayo pa aking bababaan. Bumagal ang takbo ng bus ng marating niya ang The Quadrant, Nasabi ni Ate, “Alam mo hindi naman ako palamura eh baka sabihin mo wala akong pinag-aralan. Alam mo yung galit na galit ka…yung mga bagay na hindi mo nilalabas pag pinakawalan mo na may kasamang mura, unti-unting nawawala yung galit mo…” “ Na-try mo na ba yun?” tanong niya sa akin…iling lang ang tugon ko. “Alam mo,subukan mo! Naramdaman ko kasi na mabigat ang aura mo” sabi niya. Tumingin lang ako sa kanya.
“Halla! O cge isang stop na lang bababa na ako. Tignan mo naman kahit Linggo, kayod pa rin tayo” sabi niya sa akin. “Kaya nga po. Kayod tayo ng kayod. Buhay nga naman..” sabi ko sa kanya. Sabi niya, “’Ne, wala ka yatang payong…eto kunin mo mamaya pa titila ang ulan”, sabay bigay ang payong niya sa akin. “ Eh pano po kau?” tanong ko sa kanya. “Malapit lang yung pupuntahan ko sa bus stop pwede akong tumakbo. Cge na kunin mo na yan. Saka di pa natatapos ang drama ko sa buhay, gusto kong iiyak kasama ng ulan”. Natawa ako sa sabi ni Ate. Nasabi ko na lang sa kanya…” ang taray mo teh!” . “Ganun ba?” sabi niya. “ Salamat ‘Ne kahit papaano may nakinig sa akin at naintindihan ako…” nasambit niya sa akin. Ngumiti sya pero may lungkot pa rin ang kanyang mga mata. “ Ano na ulit pangalan mo?” tanong niya sa akin. “ Maria po” sagot ko. “ Mag-ingat ka Maria, salamat…cge bababa na ako” ngumiti siya ulit sabay pindot ng stop button ng bus. Dali-dali ko rin tinanong ang pangalan niya bago siya nakababa ng bus, “ Kayo po..ano pong pangalan niyo Ate?”, “SALOME” sabi niya.
Nakababa na siya at umandar na ang bus…nasabi ko sa sarili ko, “Salamat sa payong at payo Salome”. Tumatak sa isipan ko ang sinabi ni Salome. Nandun pa rin ako sa bus,naiisip ko na kung anong gagawin ko pagbaba ko ng bus. Natawa ako sa sarili ko. Excited na akong mag-mura! Sa tanang buhay ko ni minsan hindi ko magawang magmura. Ang pangit gawin,ang pangit sambitin,ang pangit pakinggan! Pero kailangan kong magmura! Kailangan kong ilabas ang galit ko! Ang bigat na! Napakabigat! Sobra!
Malapit na akong bumaba, kinakabahan ako. Ang lamig ng pakiramdaman ko. Namanhid yung katawan ko ng ilang minuto. 3,2,1…bababa na ako, I pressed the stop button. I told to myself “This is it!”.
Bumaba ako ng bus. Feeling ko tumigil ang ikot ng mundo, na-freeze lahat ng mga tao doon…Ako lang ang nakakagalaw. Tumingin ako sa buong paligid. Sabi ko sa sarili ko…”Ano?! Abby??? Go! Magmura ka na!” Huminga ako ng malalim…Pinakiramdaman ko ang buong paligid…may katahimikan…pinikit ko ang aking mga mata…Inisip ko lahat ng mga hinanakit ko,ang nasa loob ko…ang mga pinagdadaanan ko. ..
1…2…3…Ready na ako…” Anak ng ……” hindi ko pa rin siya mabigkas! Bakit ganun ang hirap magmura?!”. Tumakbo ako at lumayo…sabi ko sa sarili ko ulitin ko ulit. “ ANAK NG….” OKIN….” Hindi ko pa rin matuloy na mabigkas!
Bigla ko na lang nasabi, “SHIT! Ba’t di ko parin masabi?” . Natawa na lang ako sa sarili ko, napansin ko nakapag-mura na pala ako! Nakapag-S-H-I-T! na ako!
ANAK NG PIKACHU! TANG-NA JUICE! ANO BANG NANGYAYARI SA BUHAY NA ITO?! Tang-na juice talaga!
Tinuloy ko na lang pagmumura ko sa paraang cute. Salamat! Kahit papaano nakahinga ako, SALOME!
0 Responses

Post a Comment

Live Traffic Map